scrobble.life
#wordchallenge

Word Challege #13 " Pilipinas"

imagecredit:google

"Pilipinas"

Isang bansang mayaman Ngunit hindi ito inaalagaan Basura dito, basura doon Kaya baha tayo ay nilalamon,

Ang kalikasan ay luntian Ngunit hindi kayang pakainin ang sambayanan Hanggang ngayon umaasa pa rin Sa butil ng mga dayuhang mapang-alipin!

Ang dagat na dati ay bughaw Na ang laman minsay umaapaw Ngunit ngayon unti -unti naging itim Dahil sa mga taong sakim!

Tingnan nyo ang kabukiran Ito ay ginawang minahan, Sa mga negosyanting busabos At walang pakialam sa ating kinabukasan!

Ang ginto ay nagkalat kahit saan Bakit hindi parin tayo yumayaman? Dahil ba ito sa huwad na namumuno O sa mga taong nabibili ang boto!

Pilipinas perlas ng silangan Ngunit nangunguna sa kahirapan! Kurapsyon at droga nga ba ang dahilan? O sadyang ito lang ang ating kapalaran,

Huwag sana nating sayangin Mga buhay ng mga bayani na binuhis sa atin Maangkin lang ang kapayapaan Mula sa tigreng mga dayuhan!

Halika't tayoy makipagdigma Isuot ang pulang bandana Harapin ang pinaka mabangis na kalaban Walang iba kundi sa ating sarili lamang!

Nagdurugo na ang puso ng ating bayan Imulat na ang mata sa katotohanan Pagbabago at disiplina sa sarili umpisahan Sabay sabay tayo ay sumigaw,

"Pilipino ako! Mahal ko ang bayan ko!"


Ang tula kung ito ay aking kalahok sa #wordchallenge na isang paligsahan sa makata na si @jassennessaj. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga isponsor na si @donkeypong at si @surpassinggoogle.

DQmZVUCuxYWHM1s256SJQiwzMgVM6YhmczS5ZjvZHHxvJYw_1680x8400.png

Nagpapasalamat,

@juichi

Comments · 1

  • @minnowsupport(72)· 2947d

    Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by juichi from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

    If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
    Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.