scrobble.life
#poetry

Sa Mundo ng Kawalan

2018-08-16 08.54.15 1.jpg Madilim ang kalangitan Nang aking mapakinggan Ang ingay ng Nakabibinging katahimikan; Nasaan ako? Iyon ang nasa sa aking isipan.

Ako’y ulilang musmos Sadyang pinagkaitan Ng lahat ng bagay Sa aking kapaligiran; Mahalaga ba ako? Iyon ang hindi ko alam.

Munting silaw Ang aking natitinigan, Ngunit ito’y biglang Lumisan ng tuluyan; Bakit ganito? Iyon ang sigaw at pinaghihinakitan.

Ilang saglit pa Ang matuling dumaan, Lumingon-lingon ako At saka natigilan; May kasama ba ako? Iyon ang tanong ng sadyang iniwan.

Nagyeyelo Ang nakangingilong hangin Nang ito’y humaplos Sa balat na sa akin; Kailan pa ba ito? Iyon ang tanong ng aking kainipan.

Sa aking pangungulila Sadya kong nakapa, Ang ganitong pakiramdam: nahihimlay, naiwan, sa mundo ng kawalan.

Hello everyone! I just wanted to share this poem I wrote when I was in High School published under our news letter "Alon". I hope you enjoyed reading it. Thank you!

Comments

No comments yet — be the first.