
Hindi na ko magtataka Kung bakit ganyan ka magsalita Bawat salitang iyong inuutas Ang sakit ay wala ng lunas
Matalim na dila Masasakit na salita Sa puso’y sumusugat Ang lahat ay sinusumbat
Bawat salitang bibitiwan Siguraduhin ito’y may katotohanan Sapagkat di na mababawi Ang sakit ay di na mapapawi
Sa puso ay uukit Mapupuno ka ng galit Ngunit mas pinili Katamikan ang ihalili
Ipagpasa-Diyos na lang Ang kanyang bungangang halang Pagkat di tumatanggap ng pangaral Ang taong wala na ngang aral, Wala pang asal...
Maraming salamat po sa pagbabasa! Ang larawan po ay mula sa Google





