
“Aanhin pa ang damo, Kung patay na ang kabayo” Isang katagang magpapatotoo Sa kabutihan ng isang tao
Ang pagtulong sa kapwa Ay isang mabuting gawa Butihing pusong may awa Upang ang iba’y guminhawa
Marapat na tulungan Ang sinumang nangangailangan Yaman lamang din naman Na ikaw ay may kakayanan
Huwag lang sana mahuli Ang tulong na nais ibahagi Dahil imbis na mapabuti Baka sa huli ay magsisi
Ang ugaling Mañana Sa ating ninuno ay minana Ang pagsambit ng mamaya na Ay dapat nating iwasan na
Lagi nating pakatatandaan: “Kung ano ang ating itinanim, Ay siya rin namang ating aanihin” S’yang tunay na ang pagtulong ay napakainam



