
Isa, dalawa, tatlo Ganyan ako kabilis na nahulog sayo Sa bawat araw na ikay kasama ko Akoy napamahal na ng todo
Hayaan moko magkwento ng lovestory na kakikiligan mo ng todo Una, nakilala kita sa di inaasahang pagkakataon Pagkakataon nung mga panahong nililigawan mo ay hindi ako Kaibigan kong dati'y minahal mo
Pangalawa, kayo'y nagkalabuan na At ako'y iyong nilandi na At ako naman tong si tanga na nagpalandi rin aba Sa mga pambobola mo'y nabihag na nga

Pangatlo, akoy nabihag na Di na nakaalis pa Ang pagkakahulog sayo Ay mas lalong lumalim pa
Pang apat, tayoy nagmahalan na Ikaw ay aking sinagot na Sa araw na yun ako ang babaeng naging pinaka masaya Masaya dahil ikaw ay nakilala
Panglima, ikaw ang naging kasiyahan Ang iyong ngiti ay aking naging kayamanan Ikaw ang naging sandalan Sa Kasiyahan man o sa kalungkutan
Panganim, uubos ako ng mga letra at gagawa ng ilang pahina Masambit lang ang pagmamahal sayo sinta Mga araw na iikot sa mundo nating itinayo Masasayang ala-ala na tayo mismo ang bubuo

Pang pito, sa relasyon ay di maiiwasan ang tampuhan
Batuhan ng masasakit na salita na tatagos hanggang laman at tatatak sa isipan Mga luhang pupunasan ng panyo Mga pusong nagdurugo
Pangwalo, lilipas ang sakit Luluha ng nakapikit Mga luhang pumapatak, na kahit gano ka katapang di mo kayang pingilan Mga sakit na kahit iwasan ay di ka titigilan
Pangsiyam, gaya ng sinabi ko sa unang bahagi ng tula ko Ikaw na nagbabasa nito ay kikiligin ng todo Pero nadala ako ng emosyon ko at nabago ko ata ankwento Gusto ko lamang ilahad ang nararamdaman ko para sayo
Pangsampo, Matatapos na ang tula at titigil na sa pagbibilang ititigil na ang pag akda Ng kwentong aking ginawa Para sa lalaking binigyan ng pangalan ng diyos na Paul Gabriel Rapiza Hindi sa pagbibilang ng sampo matatapos ang lahat Dahil bibigkas pa ako ng mga salitang sapat Para sa pagmamahal mong TAPAT? Dahil para sakin ikaw lang ang lalaking karapat dapat Ikaw yung taong ginusto ko Pero diko inaasahang mamahalin ko ng husto Sa lahat ng taong nandito kaya kong ipagmalaki na sa buong mundo Na ikaw, ikaw na nagbabasa nito ngayon ikaw, ikaw na lalaking minamahal at mamahalin ko. Ikaw na magiging tatay ng mga anak ko Ikaw ang bubuo sa pamilyang pinapangarap ko Ikaw lang ang gusto ko
Ikaw na nagbigay ng inspirasyon Dito sa mundong puno ng imahinasyon At lahat ay may limitasyon Tayo ang bida sa libro na gagawin nating dalawa Na kung sakaling maubos man ang pahina Samahan mo akong punuin ulit ang iba pa Di ako papayag na itoy matapos pa. Sa lahat ng tulang ginawa ikaw ang unang pag aalayan ko Na sa lahat ng taludtod nito Pagmamahal ko ang binibigkas ko

Malawak man ang aking imahinasyon Iniisip ko kase na hawak ko ang kamay mo sa paglipas panahon Dumating man sa oras na ang tadhana na ang kalaban ko Hahabulin ko ang oras makarating lang sa mundo mo Di ko hahayaan maging taksil ang kalawakan Hahabulin ko ang mundo makasabay lang ulit sa pag ikot nito. Di man mabalik ang dating tayo pero pwede pa tayo mag simula ng bago. Di ko hahayaang maubos ang tinta ng nagsusulat ng kwento nating dalawa. Di ako papayag na magsarado ang libro at matapos ang kwento. Di man ako perpekto Atleast ako ay totoo Ako ang sumulat at ikaw ang pamagat Para bang ikaw ang pahina at ako ang aklat Ikaw yung laman at ako naman ang balat Ikaw yung araw at ako naman yung bulaklak na nag aabang ng iyong pag sikat Ayan ang patunay na laging nakadepende sayo ang kasiyahan ko
Oo, walang ako kung walang ikaw Asahan mong mananatiling sayo ang pagibig at atensyon ko kahit may makilala akong ibang tao Dahil hinding hindi nila mababago Ang saya, at tuwa na naramdaman ko ng dumating ka sa buhay ko Asahan mong ikaw ang siyang laging pamagat Sa mga tulang aking isusulat.
Please support the person who inspires many, including me, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness. Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box. Also other witnesses @good-karma , @cloh76.witness vote for them just visit https://steemit.com/~witnesses Others that we should support are: @henry-gant, @kenny-crane, @beanz, @teamsteem, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, , @steemitph, @bobbylee, @jerrybanfield ,and @paradise-found, they also have supported us. Thank you very much.




