scrobble.life
#philippines

ALAALA - TAGALOG SPOKEN POETRY (A KIND OF FILIPINO POETRY)

Ikaw ay isa ng masayang alaala Na kailanman ay hindi na maibabalik pa Kailanman ay hindi na mauulit pa Dahil lahat ng ating pinagsamahan ay isa ng alaala.

Ikaw ay nasaktan ko, kaya ikaw ay nagpakalayo Itinaboy kita, hanggang sa ikaw ay sumuko Wari'y para kang itak na sa akiy sumasaksak Kaya sa dulo, luha ay pumapatak.

Pasensya kana, mahina ako Mahina ako kase nga di pwedeng maging tayo Tayo na akala mo ay totoo Totoo nga na ikaw sakin ay nagseryoso

Mali ang tingin sayo ng iba Mata nila ay puno ng panghuhusga Ako lang ang nakakita ng tunay mong halaga Ngunit ako ay walang kwenta, dahil sa nasaktan kita.

Nangako ka na ako ang mamahalin mo Pero mahal, hindi pwede maging tayo Hindi natin pwedeng itago Ang relasyon na ating nabuo.

Pagkakasala sa Diyos ang ating nagawa Patawarin Nya ako, ako ay nagkasala Dahil sa mahal kita at mahal ko din ang isa Kaya ako ay nag isip isip na.

Tayo ay nagkagulo, ako ay iniwasan mo Hanggang sa nagpasya ka na lumayo Lumayo ka at akoy tuluyang iniwan mo Mahal, sana ako parin hanggang sa dulo.

Comments

No comments yet — be the first.