
Ngayon ay araw ng kalayaan Araw na kaabang-abang Pag-alala sa mga kabayanihan Ng ating mga bayani na kagalang-galang.
Sila'y nakipaglaban sa mga dayuhan Na nais kumamkam Sa mga likas na kayamanan Ng ating bansang minamahal.
Ang araw na Ito ay dapat pahalagahan Lalo na ang mga taong nagbigay daan para sa kalayaan Tularan ang mga mamamayan na inisip ang kapakanan Ng ibang tao at mga susunod na kabataan.
Ang ating kulay na kayumanggi Ginawa ng Diyos na katangi-tangi Biyayang maipagmamalaki Ng sinuman Sa lahat Ng tao sa sansinukuban.
Kalayaan at Karapatan natin ay Kay dami-dami Pero 'di natin makakamtan Kung 'dI dahil sa mga bayani. Buhay na walang hanggan ay bigay ng ating Diyos na may lalang Kaya dapat pahalagahan at gawing kapaki-pakinabang.
Happy Independence Day ❤️❤️🇵🇭🇵🇭





